Ang Empanada ay isang uri ng tinapay na nagmula pa sa bansang Spain.Nang Sinakop tayo ng mga Espanyol tinuruan nila ang ating mga ninuno kung paano gumawa at magluto nito.
Ang pagluluto ng tinapay ay pwedeng lutuin sa pugon(oven) or pwede ding iprito ito tulad na lamang ng sikat at ngayon binabalik balikan na Ilocos Empanada.
Ang dough ng Ilocos Empanada ay gawa sa rice flour na may atsuete at ang palaman nito ay ginisang toge,itlog,repolyo,giniling na baboy at ang signature Ilocano longganisa na lalong nagpapalasa at nagpapasarap ng kanilang Empanada.
Alam nyo ba na ang Ilocos Empanada ay isang uri ng street food? Ou tama.Tinuturing Street food ng mga Ilocano ang kanilang empanada dahil kadalasan makikita ito na binebenta sa mga daan daan.Ang isang empanada ay nagkakahalaga ng 40-60 pesos.At ang isa nito ay talaga naman nakakabusog sa sobrang laki ng bawat isa.
Natikman mo na rin ba ang sikat na Ilocos Empanada?
magkomento ng iyong karanasan!👇👇👇
Comments
Post a Comment